Wednesday, February 06, 2008

puro tayo biro. kelan tayo tatanda?

naiinis ako sa yo. di kita maintindihan. ano ba talaga, ha?
di ko alam kung nagbibiro ka, o may pagtingin ka ba, o talagang sadya kang mapaglaro.

di ko alam kung apektado ako... siguro nga dahil pusong mamon rin ako, at di rin naman din ako tanga na papatol sa wala.

alam kong hindi ka handa. malamang nga e di ka magiging handa. ramdam ko yun. pero naman, please, huwag mo naman akong paglaruan.

o akala mo rin siguro nagbibiro ako, ano? ewan ko, pero sa tingin ko, walang mangyayari kung ganito lang tayo palagi. wala talaga.

naka-rami na rin tayo di ba? pero hanggang pagkakaibigan na lang talaga yata ito. hayaan na lang natin siguron gano'n muna, basta masaya lahat. tuloy ang ligaya. walang sabit, walang nagagalit.

hay, puro tayo biro. kelan tayo tatanda?

bahala na si Lord. ayaw ko itong i-asa kay batman.

No comments: