Thursday, August 14, 2008

MALI ATA ITO...

sabi nila di na uso ang torpeng babae
bakit sa kabila nito'y
nahihirapan akong umamin
na ako'y nahuhulog na
may konti nang pagtingin

wari'y mali, sabihin bulong ng damdamin
minsan hiling ko tuloy
matuklasan mo na
nang di na dalhin ang saloobin
anupaman ang sabihin

akala ko'y kaya kong dalhin ang biro
ngunit tinamaan na ata ako

pusong batong tinunaw mo
at heto na nga, hinahanap hanap ka

mali ata ito

(kelangan ko pang lapatan 'to ng himig. til next blog...)

No comments: